Martes, Marso 14, 2017

BENEPISYO NITONG BLOG

BENEPISYO NITONG BLOG 



Ako ay isang highschool student at inatasan akong gumawa ng isang advocacy gamit itong blog. Ang advocacy na ito ay tungkol sa ating bansang pilipinas, ang ating ekonomiya. Sa patuloy niyong pagbasa nito ay malalaman mo ang mga problema ng ating ekonomiya. nakapaloob din dito ang mga solusyon sa problema nito. Nakapaloob din dito ang mga ginawa ng mga dating pangulo upang maayos ang mga suliraning ito.

Gusto kong magpasalamat sa mga nakuhanan ko ng impormasyon at mga litrato ukol dito sa gawa ko:

Pag-aralan ng mabuti at indtinidihin ang suliranin ng ating ekonomiya. Kapag ikaw ay may naisip na solusyon, 'wag mahiyang ibahagi ito sa iba pang mamamayan.

MGA BATAS AT NAG PATUPAD NG BATAS

MGA BATAS AT NAG PATUPAD NG BATAS

Sa bawat bansa ay may mga taong na sa matataas na antas tulad na lamang ng pangulo. Dito sa Pilipinas, ang ating mga dating pangulo at kasalukuyang pangulo ay gumawa ng batas na may kinalaman ang ating lupa.

REPORMA SA LUPA

-Ito ay isang programa na naglalayon na pagkalooban ng sariling lupa ang mga maliliit na magsasaka. Ito din ay kinakasangkutan ng mga pagbabago sa batas hinggil sa pagmamay-ari ng lupa.

MGA DATING PANGULO

GLORIA MACAPAGAL ARROYO



       nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) Blg. 364, at muling pinangalan ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan bilang Kagawaran ng Reporma sa Lupa. Pinalawak ng kautusang ito ang sakop ng kagawaran, na nagtatakda ng pangangamahala para sa lahat ng mga pagbabagong panglupain sa bansa. Ito rin ang naglalagay sa Komisyon sa Urbanong Mahihirap ng Pilipinas (Philippine Commission on Urban Poor o PCUP) sa ilalim ng pangangasiwa at kapangyarihan nito. Naging sakop din ng pangangasiwa ng bagong departamentong ito ang pagkilala sa pagmamay-ari ng dominyong makaninuno ng mga katutubong mamamayan, sa ilalim ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (National Commission on Indigenous Peoples o NCIP).

 CORAZON C. AQUINO



nilagdaan ang Batas Republika Blg. 6657, kilala rin bilang Pinalawak na Batas sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL), at naging saligang-batas para sa pagpapatupad ng Pinalawak na Programa sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP). Isa ring itong batas na nagbubunsod sa CARP na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon. Ibinibigay din ng RA 6657 ang isang mekanismo para sa pagpapairal nito. Nilagdaan niya ito  noong 10 Hunyo 1988.

FERDINAND E. MARCOS



nilagdaan niya ang Batas Republika Blg. 6389 bilang batas, na kilala rin sa tawag na Kodigo ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Code of Agrarian Reform of the Philippines). Ipinatutupad ng ika-49 Seksiyon ng batas na ito ang pagtatatag ng bagong kagawarang may sariling-kakayahan, ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at epektibo itong pumalit sa Pangasiwaang Panlupa. Noong 1978, sa ilalim ng batasang porma ng pamahalaan, pinalitan ang pangalan ng DAR na naging Ministro ng Repormang Pansakahan. 

MGA SULIRANIN



MGA SULIRANIN 



                                                                                                                                                                    MGA SULIRANIN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA 

*Pagdagsa ng dayuhang produkto
*Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya  
*Kakulangan ng sapat na puhunan
*Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
*Mababang presyo ng produktong agrikultura


MGA SULIRANIN NG SEKTOR NG PANGINGISDA

*Mapanirang operasyon ng Malalaking Komersiyal na mangingisda
*Lumalaking populasyon sa bansa
Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

MGA SULIRANIN NG PANGGUGUBAT

*Patuloy na pagtaas ng populasyon
Ilegal na pagputol ng puno
Mga sakuna

MGA SOLUSYON

*Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
Pagbibigay ng subsidy sa maliit na mangsasaka
*  Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay at kalsada
*  Pagbibigay impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya
    * Pagtatag ng kooperatiba at bangko rural
Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumapasok sa bansa.
   

SEKTOR NG EKONOMIYA

ANG SEKTOR NG EKONOMIYA



-naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ng antas ng kanilang gawain  



 MGA KASALI SA SEKTOR NG AGRIKULTURA:
*Pangingisda
*Pagmamanukan
 *Paghahayupan 
*Panggugubat
*Pagsasaka

SEKTOR NG AGRIKULTURA

-Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao. 
PANGINGISDA



- Ang pangingisda ay ang paghuhuli ng isda sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa iba’t-ibang uri ng yamang-dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo, pugita at palaka. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon

PAGMAMANUKAN


 Ang pagmamanukan ay ang pagpapalaki o pagpaparami ng mga anak na ibon tulad ng manok,pabo,o pato para sa layunin ng pagsasaka ng karne o itlog



PANGGUGUBAT



  -Isa dito ang pagtotroso. Pagpuputol ng puno upang gawing isang produkto. Sa gubat sila kumukuha ng mga puno at ilalagay sa iba't-ibang makina ang mga hilaw na produkto upang ito ay maging isang panibagong produkto. Dito tayo may malaking suliranin. Dahil sa pagputol nila ng masyadong madaming puno, nagkakaroon na tayo ng mga 'natural disasters' tulad na lamang ng paglindol, pagbaha at masyadong malakas na  bagyo. Onti-onti na ding nakakalbo ang ating kalikasan at may mga lupang onti-onti ng nalalason.


PAGHAHAYUPAN


-Ang paghahayupan ay isang hanapbuhay sa pag aalaga o pag papastol ng mga hayop upang maka-dagdag kita at upang ipagbenta.

PAGSASAKA


Ito ay ang pagtatanim ng palay, mais, tabako atbp. May mga suliranin din ang pagsasaka tulad ng kawalan ng lupa, pabago-bago ng panahon at matagal na paggamit ng kemikal na pataba. Kapag nawalan ng lupa ang magsasaka, saan na sila magtatanim? Dahil sa pabago-bago ng panahon, maaaring madamay ang mga palay ng mga magsasaka at maaaring masira pa ang mga ito. Sa kasalukuyang panahon, nauuso na ang mga kemikal na pataba ngunit maaari itong makasira sa ating mga palay.