MGA BATAS AT NAG PATUPAD NG BATAS
Sa bawat bansa ay may mga taong na sa matataas na antas tulad na lamang ng pangulo. Dito sa Pilipinas, ang ating mga dating pangulo at kasalukuyang pangulo ay gumawa ng batas na may kinalaman ang ating lupa.
REPORMA SA LUPA
-Ito ay isang programa na naglalayon na pagkalooban ng sariling lupa ang mga maliliit na magsasaka. Ito din ay kinakasangkutan ng mga pagbabago sa batas hinggil sa pagmamay-ari ng lupa.
MGA DATING PANGULO
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) Blg. 364, at muling pinangalan ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan bilang Kagawaran ng Reporma sa Lupa. Pinalawak ng kautusang ito ang sakop ng kagawaran, na nagtatakda ng pangangamahala para sa lahat ng mga pagbabagong panglupain sa bansa. Ito rin ang naglalagay sa Komisyon sa Urbanong Mahihirap ng Pilipinas (Philippine Commission on Urban Poor o PCUP) sa ilalim ng pangangasiwa at kapangyarihan nito. Naging sakop din ng pangangasiwa ng bagong departamentong ito ang pagkilala sa pagmamay-ari ng dominyong makaninuno ng mga katutubong mamamayan, sa ilalim ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (National Commission on Indigenous Peoples o NCIP).
CORAZON C. AQUINO
nilagdaan ang Batas Republika Blg. 6657, kilala rin bilang Pinalawak na Batas sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL), at naging saligang-batas para sa pagpapatupad ng Pinalawak na Programa sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP). Isa ring itong batas na nagbubunsod sa CARP na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon. Ibinibigay din ng RA 6657 ang isang mekanismo para sa pagpapairal nito. Nilagdaan niya ito noong 10 Hunyo 1988.
FERDINAND E. MARCOS
nilagdaan niya ang Batas Republika Blg. 6389 bilang batas, na kilala rin sa tawag na Kodigo ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Code of Agrarian Reform of the Philippines). Ipinatutupad ng ika-49 Seksiyon ng batas na ito ang pagtatatag ng bagong kagawarang may sariling-kakayahan, ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at epektibo itong pumalit sa Pangasiwaang Panlupa. Noong 1978, sa ilalim ng batasang porma ng pamahalaan, pinalitan ang pangalan ng DAR na naging Ministro ng Repormang Pansakahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento