ANG SEKTOR NG EKONOMIYA
-naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ng antas ng kanilang gawain
MGA KASALI SA SEKTOR NG AGRIKULTURA:
*Pangingisda
*Pagmamanukan
*Paghahayupan
*Panggugubat
*Pagsasaka
SEKTOR NG AGRIKULTURA
-Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
PANGINGISDA
- Ang pangingisda ay ang paghuhuli ng isda sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa iba’t-ibang uri ng yamang-dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo, pugita at palaka. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon
PAGMAMANUKAN
- Ang pagmamanukan ay ang pagpapalaki o pagpaparami ng mga anak na ibon tulad ng manok,pabo,o pato para sa layunin ng pagsasaka ng karne o itlog
PANGGUGUBAT
-Isa dito ang pagtotroso. Pagpuputol ng puno upang gawing isang produkto. Sa gubat sila kumukuha ng mga puno at ilalagay sa iba't-ibang makina ang mga hilaw na produkto upang ito ay maging isang panibagong produkto. Dito tayo may malaking suliranin. Dahil sa pagputol nila ng masyadong madaming puno, nagkakaroon na tayo ng mga 'natural disasters' tulad na lamang ng paglindol, pagbaha at masyadong malakas na bagyo. Onti-onti na ding nakakalbo ang ating kalikasan at may mga lupang onti-onti ng nalalason.
PAGHAHAYUPAN
-Ang paghahayupan ay isang hanapbuhay sa pag aalaga o pag papastol ng mga hayop upang maka-dagdag kita at upang ipagbenta.
PAGSASAKA
Ito ay ang pagtatanim ng palay, mais, tabako atbp. May mga suliranin din ang pagsasaka tulad ng kawalan ng lupa, pabago-bago ng panahon at matagal na paggamit ng kemikal na pataba. Kapag nawalan ng lupa ang magsasaka, saan na sila magtatanim? Dahil sa pabago-bago ng panahon, maaaring madamay ang mga palay ng mga magsasaka at maaaring masira pa ang mga ito. Sa kasalukuyang panahon, nauuso na ang mga kemikal na pataba ngunit maaari itong makasira sa ating mga palay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento